Monday, September 26, 2005

...

bakit mo susubukang
isabuhay ang buhay?
nalalaman mo namang
magiging matagtag lamang
ang iyong daraanan.
bundok ang katarikan.
komplikado ang mga bagay
na nakahain sa iyong harapan.
ang haligi na iyong sinasandalan
ay bahagi lamang ng
ilusyon ng nakaraan.

Tuesday, September 20, 2005

delubyo ii

dakilang manlilikha
nasaan ka kaya?
tumatangis ka rin ba?
saan ka nakatago,
o kaya'y nagtatago?
hindi ka makita ng aking kapwa
kami ba'y iyo nang pinabayaan?
bakit mo itinulot na
tao ang wawasak sa iyong
nilikha?
patulo'y kang magkubli
sa iyong langit.
patuloy naman kaming
mamumuhay dito
sa imyernong lupa.
natatakot ka bang daigin ng
iyong obra maesra?
nawa'y mapatawad mo
pa kami habang
pinapaslang namin
ang mga nagkakasala
sa amin...

amen...

a prose for a chronic-alcoholic-hopeless-romantic

why there's such lunacy?
falling in love....
falling out of it.
i'm tired
intoxicated now....
someone, please,
take me back to my room.

taludtud ng nababagot

nagpapangap lamang
ang aking damdamin.
ang katotohanan ay
nagdadalamhati ako.
sa iyong paglisan.
ako ay iyong iniwan
sa gitna ng mga gunita.
ngunit ninais ko naman ito noon pa.
sapagkat nalalaman ko
namang ako ay iyong
minahal para sa nalalapit
mong paglisan.
ngunit sa kabila ng
lahat.
magpupumilit na lamang
ako na umalis mula sa
nakaraan.


Agosto 10 2005
Rm. 34G

how to be a great writer by Charles Bukowsky

you've got to fuck a great many women
beautiful women
and write a few decent love poems.

and don't worry about age
and/ or freshly arrived talents.

just drink more beer
more and more beer

and attend a racetrack at least once a
week

and win
if possible.

learning to win is hard--
any slob can be a good loser.

don't forget your Brahms
and your Bach and your
beer.

don't overexercise.

sleep until noon.

avoid credit cards
or paying for anything o
time.

....

and if you have the ability to love
love yourself first
but always be aware of the posibility of
total defeat
whether the reason for that defeat
seems right or wrong--

an early taste of death is not necessarily
a bad thing.

saty out of churches and bars and museums,
and like the spider be
patient--
time is everybody's cross,
plus
exile
defeat
treachery

all that dross.

stay with the beer.

beer is continous blood.

a continous lover.

get a large typewriter
and as the footsteps go up and down
outside your window

hit that thing
hit it hard

make a heavyweight fight

make it the bull when he first charges in

and remember the old dogs
who fought so well:
Hemingway, Celine, Dostoevsky, Hamsun.

Tuesday, February 01, 2005

delubyo i

sa pag-ibis ng kapayapaan.
dumating ang ligalig.
ang kasiyahang kanina lamang
ay parang wala nang katapusan
pinalitan ng kaguluhan.
umagos ang dugo. mapula!
sa nakatayong baril, katabi niyon
isang ulong kanina lamang gumulong.
sasakyang lumilipad, gumugulong.
umungong ng malakas. lahat handang
magwasak. Winasak ang daan.
Bakit nagkaganito?
ang tao galing sa alabok,
sa alabok din babalik.

and i dont even care!

My foo
lishne
ss dra
g me t
o touc
h your
hand,
and I
cant r
esist.
But so
methin
g in m
y mind
tells
me not
to do
so. Is
this t
he kin
d of f
elling
they c
all lo
ve? I
dont k
now...
this t
ime i
want t
o kiss
your l
ips.

Paghahanap

Maglakbay ka,
Sa lugar na walang
nakaka-alam.
Kung maaari sa ulap,
hangang hindi ka na nila
matanaw.
Maaari kang umiyak,
sapagkat ang pagluha
ay hindi kahulugan
ng kahinaan.
Bawat sandali ay hugutin
ang hininga.
Upang maging malaya.
Matutuklasan mo rin ang
kamalayan.
Hanapin mo ang kulay
na nararapat sa iyo.
Isigaw mo sa buong mundo
upang ikaw ay kanilang marinig.
Mag-ipon ng lakas at hawakan
ng mabuti ang liwanag.
Humandang maging marupok
sa panahong nais mo nang magmahal.

Friday, January 14, 2005

hinog dahil napilit

Ang langit ay pilit nating inabot.
Sinubukang kamtin ang kaligayahan.
Kaligayahan daw na walang hangan.
Hanap ng katawan.
Hinubdan ang sarili.
Nalantad ang katotohanan.
Katotohanang pinakatago-tago.
Ng kaytagal.
Sumabay sa saliw ng panahon.
Mata lamang ang nangungusap.
Mga matang siyang magsasabi.
Kung narating na ang hangad na ligaya
Sa rurok ng ating pagnanasa.
Bumukal ang pait na tila tubig-putik.
Sabay nating nilagok.
Sapagkat tayo ay uhaw sa kamunduhan.
Kamunduhang hinahanap ng katawan.
Patuloy pa rin sa pag-abot ng kaligayahan.
Sa huli matutuklasan ang sarili.
Hapong hapo.
Pagod dahil nalunod sa kaligayahang hangad.
Hindi maigalaw ang katawan.
Naging manhid.
Ang mga butil ng pawis
ay may kasamang panghihinayang.
Panghihinayang na sa kabila ng
hirap upang makarating sa langit.
Ni hindi ko man lamang
natanaw ang pinto nito.

Tuesday, January 11, 2005

Does Opposite Always Attract?

Ang dilim ay liwanag.
Ang init ay ginaw?
Sa paghahalo ng tubig at apoy.
Alam natin hindi maaari.
Magiging malungkot lamang
ang kahihinatnan.

Ang mga alaala mo
nililingon ko iyon.
Hindi lingid sa iyo.
Sapagkat minsan nahalo din
tayo sa isa't isa.

Bakit ang tubig kailangang
pumatak mula sa mga ulap
upang makapiling ng lupa?
Bakit pa aagos sa mga ilog
patungong dagat?
Nalalaman kaya niyang,
doon siya ay magiging maalat?
Bakit pa muling magpapatangay
sa hangin paakyat sa mga ulap?
Malalaman lamang niyang
siya ay muling babagsak.
Pagsapit ng tag-ulan.

Ang dilim at liwanag.
Ang init at ginaw.
Sa paghahalo ng tubig at apoy.
Tulad mo
at tulad ko.
Alam natin hindi maaari.

Rainy Day Musing

Remember that one
rainy afternoon?
We were walking
on the street’s sidewalk.
Suddenly, heavy downfall
of water soaked us.
It's raining
You get your black
umbrella from your handbag.
You tried to open it
but it can’t.
It’s broken.
A muddy water spited
To your white dress.
Damn that car!
You shed yourself
to the nearby convenient store.
I tried to follow you.
I don’t know why I didn’t.
Remember that one
rainy afternoon?
We were walking
on the street’s sidewalk.
I’m on the other side
staring at you.
Beside the electric post
I’m smiling alone.

Tuesday, December 07, 2004

sa gitna nila...

Pagkain sa hapag.
Ay... hindi.
May hapag nga ba?
Pagkain sa lapag.
Masuwerte na kung may
tuyo at kamatis.
O kaya ay isang bungkos
ng dahon ng kamote na
nakuha lamang kung saan.
Pagkakasiyahin ng limang
bibig.
Huwag ng isali ang alagang ginagalis na aso.

Ilabas ang mga kubyertos at pingan.
Ay... hindi.
Wala nga palang pingan.
Sa dahon na lang ng saging.
Kung hindi magiging mabuti ang diyos
malamang laway lang ang
malalasahan ng bibig maghapon.
Itatae kinabukasan.
........................................................................
Pagkain sa hapag.
Isang malaking mesa.
Maraming pagkain at parang
tuwinay piging.
Huwag kang magmadali
hindi ka mauubusan.
Anong gusto mo?
Morkon? Pritong manok?
Pasta? Dalhin mo na ang ulo ng lechon!
Huwag kang mag-alala may sariilng
pagkain si Spot. Pedegree.
Ilabas ang mga kubyertos
at pingan.
Mga basong kristal na pinakislap ng
mamahaling sabon.
Dahan dahan baka mabasag!
Mabuti ang diyos!
Hindi nya tayo ginugutom.
Busog ka na?
Isuka mo...
Marami pang handa.

Monday, December 06, 2004

not a love poem

Nais ko sanang sumama sa hangin.
Dumaloy mula sa mga patak ng ulan.
Ang ginaw na nadarama ko.
Napansin ko wala ka na pala.
Umalis ka?
Kailan pa?
Sana andito ka.
Kasama sana kitang nakakadama ng ginaw.
Pinapanood ang bawat patak ng ulan
Sumasama sa kampay ng hangin.

sa huling paghinga

My soul is bleading.
The blood is unstopable leaking.
The pain is incurable.
Every posible way i see
the rays keeps on hurting me.
My heart is full of sorrow.
In the tears flowing down from my eyes
the person trapped is me.
You think you are the shadow of the sun.
My mind was filled with sadness.
I want to take my own breath.
Im tired in this life.
I cant stand alone.
its hard to even want to try.
Confession needs to be make
before the sun sets.
I dont know if ill find a way.
I want a euphoric death.

21:24
Nov. 30, 2002

diseaster

ang iyong liwanag na
pilit mong pinapain sa akin.
akala mo ako ay gutom.
ngunit hindi...
ang liwanag mo ay hindi
sapat upang ako ay masilaw.
nanaisin ko pa ang dilim
kaysa sumama sa iyong apoy
na nakakapaso.
sistemang bulok.
nilalamon ako.
putang ina mo!
tignan mo ang nangyari?!
ginahasa mo lahat ng
nasa paligid ko.
sa pagitan ng pangil
mong matatalim ay
ang iyong dila.
iiyak ka rin...
buwaya!!


habang sinusulat
ko ang mga katagang ito.
malakas ang ulan sa labas.
kasalukuyang hinahagupit
ng bagyong yoyong ang buong
kamaynilaan at mga karatig probinsya.
maraming namatay.
sumalangit nawa ang
kanilang mga kaluluwa.
- Dis. 3, 2004, gabi-