glitch(black out)
nasilaw ang aking mga mata
dahil sa biglaang pagdatal ng liwanag.
nais kong pumikit muli.
ngunit may isang bahagi ng aking utak
nagsasabing huwag.
at nang aking masino ang nasa likod niyon
nagalak ako sapagkat nandoon ka.
nasilayan ko ang ngiti sa iyong mga mata.
naisip kong lapitan ka.
at nagsimula akong humakbang patungo sa iyong kinatatayuan.
habang papalapit sa iyo para bang ito na lang ang natitirang araw.
at nang kahibla na lamang ang ating pagitan...
akmang iaabot mo na ang iyong mga palad...
handa na ang mga kamay ko upang yumakap...
biglang humangin ng malakas.
muli naging itim ang paligid.
muling dumilim...
sinong pumatay ng ilaw?!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home